Home

Welcome to Mclane Kwang Blogspot

Apoy ng Kahapon

Naisipan kung sumulat ng akda.
Isang tulang magpapabago sa pananaw ng madla.
Tulang magdudulot ng hinagpis sa makakabasa,
Na ang paksa ay tungkol sa aking pagkabata.

Noong ako ay isang musmos
Namulat sa isang masayang pamilya,
Pamilyang walang pighati at kalungkutan.
Pamilyang naturingang buo at walang kapintasan.
Pamilyang kalmado at puso ay konektado.

Nariyan si inay na maalagahin at maalalahanin.
Sa mga anak siya ang naging salamin.
Nariyan si ama na handang malumpo at makuba.
Makahanap lang ng ipapalamon sa maraming bunganga.
Naritan ang Kuya, masayang nakikipaglaro sa tropa.
Nariyan ang Ate, sa kulitan di magawang magsawa.
Yan ang aking kinagisnang pamilya, sa mga problema’y di nangamba.

Dumatal ang aking pagbibinata
Biglang nawala ang pamilyang dating masigla.
Napalitan ng kagimbal-gimbal at pag-dududa.
Hinagpis na nagdulot ng luha sa mapupungay na mata.
Pagdududa na pamilya pa rin bang matatawag.
Kung sa lungkot ito’y unti-unting nawasak.
Andiyan si Nanay na sawa nang mag-alaga
Andiyan si Tatay na masaya sa piling ng iba
Andiyan si Kuya na palaging lasing at nakikipag basag-ulo
Andiyan si Ate na maagang nag-asawa.

Matatawag pa ba itong pamilya?
Kung unti-unti nang nawala ang ngiti at saya.
Kung unti-unting nabahiran ng hinagpis ang bawat isa.
Nasaaan na ang pekpektong pamilya na aking hinahangad?
Tila ba isa na lamang laro ng taguan.
Nasaan ang ina, na sa tahana’y naging ilaw.
Nasaan ang ama, na sa bahay naging kasangga.
Nasaan na sila, wala na ang buong pamilya.

Kailan man hindi na natin masasagot ang mga katanungan
Na nahulma sa aking isipan kung sa harap harapan mo nang nakikita ang kasagutan.
Mahirap man tanggapin na ang dating perpektong pamilya.
tuluyang tinangay ng delubyong hindi natin inaasahan.
Wala na ang pamilyang minahal at aking kinalakihan.


Sa puntong ito nais ko nang magpaalam
Sa inaakala kung pamilya na aking maaasahan.
Ngayon muling sisimulan ang kwento ng bagong buhay
Kasama ang pamilyang winasak ng unos na diko namalayan.

Sasanayin ang sarili,
wala na ang Ilaw ng tahanan.
wala na ang Haligi ng tahanan.
Kuya at ate ng tahanan na aking tanggulan.
Ito ang bago kong pamilya, Sisimulan ang bagong yugto.
Wasak man, pero kailangang ipaglaban.

Design a site like this with WordPress.com
Get started